Sa’yo Ako Dumapo

Processed with VSCO with e1 preset

Hindi ba’t mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal? – Juan Miguel Severo (Ang Nag-iisa)

Minsan pa’y may isang paru-paro na napadpad sa lungga ng mga bulaklak na namumukadkad. Ang tangi niyang hangad ay nektar. Nektar na susuporta sa kanya sa maikling oras na binigay sa kanya. Nektar na may kasamang bulo na nagbibigay kahalagahan kung bakit siya nabubuhay. Ngunit sa likod ng nagsisiksikang mga kahel na bulaklak at berdeng halaman ay isang paru-paro na nakapagpanganga sa kanya. Sa lugar na kung saan bulaklak lang sana ang nakikita ay may isa pang naka-agaw ng kaniyang pansin.

Hindi niya malaman ang gagawin. Palipat-lipat, palipad-lipad sa maliit na pwesto, pasimpleng hindi lumalayo sa kaakit-akit na lahi niya. Dahil dito muling nangarap ang natutulog niyang puso. Nagkaroon ng bagong saysay ang buhay niya. Paano nga ba siya makakapagpapansin na hindi mahahalata ng isa?

Palipad-lipad. Pasimple-simple. Palapit-lapit.

Ngunit hindi pa rin niya maialis ang tingin nito sa mga bulaklak. Hanggang saan ba ang kailangan niyang gawin para makuha ang atensyon nito? Gusto niyang lapitan ngunit nilalamon ng takot at paantras na pumapagaspas ang kanyang makulay na pakpak. Iba ang takbo ng kanyang katawan sa ninanais ng kaniyang puso. Panay ang kaniyang hagilap ng lakas ng loob kahit naduduwag na ang marupok niyang katawan. Mas mabigat na sa kanya ang dibdib na walang pagod sa pagtibok.

Ngunit bago pa man tumagal ang oras na kasama siya ay lumipad na ang paru-paro na kahit saglit ay naging espesyal sa kanya. Sinubukan niyang habulin ngunit hindi niya nagawa at hanggang tingin na lamang siya.

Minsa pa’y may isang paru-paro na napadpad sa lungga ng mga  bulaklak na namumukadkad. Dumating ang oras na siya’y may nakasama ngunit pinalampas niya lang ang lahat. Kaya’t kahit masakit, wala siyang nagawa kun’di ibalik sa mga bulaklak ang atensyon at mangarap na lang ulit.

xx

Advertisements

What do you think?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s