BR: Para Kay B ni Ricky Lee

Processed with VSCOcam with f2 preset

Para kay B (at kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
ni: Ricky Lee

Me quota ang pag-ibig.
Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?

May isang libro na tumatak sa’kin ng husto. Pwedeng dahil tungkol sa teenager life ito at may mga scenes na naka-relate ako. Nang mabanggit sa libro ang pamagat na ‘Para kay B’, I was curious. Curious about what the quota means.

Ang Para Kay B ay binubuo ng limang istorya. Limang istorya ng buhay pag-ibig ng limang babae.

Mahilig ako sa YA novels and mostly about romance, so I thought ng malaman kong tungkol sa pag-ibig ang libro ay pare-pareho ang magiging takbo nito. Pero mali ako.

Ang lakas ng impact sa’kin ng libro. Hindi dahil sa Love umiikot ang lahat pero dahil sa damdamin ng characters. Bawat kwento may kanya-kanyang istorya, may kanya-kanyang drama, at may kanya-kanyang problema. (Siguro kung deeply in love ka baka maging konting devastating ang dating sa’yo ng libro sa simula.)

Naramdaman ko ‘yung pagsusumamo ng characters sa mga minamahal nila. Iyong pagka-sabik nila, may mga pagkukulang kasi ang bawat isa. Bawat salita may iba’t-ibang bagsak, alam kong exagge pakinggan pero ganoon ang dating sa akin.

Sa totoo, nung una medyo naguluhan ako dahil hindi ito’yung istilo ng pagsusulat na nakasanayan ko. Naalala ko ang sinabi ng speaker namin sa isang seminar tungkol sa pagsusulat, hindi ko alam noon kung anong ibig-sabihin niya. Pero noong nabasa ko ang Para Kay B, naintindihan ko na. Kaya nagiging appealing sa tao ang istorya, dahil sa salita niya na kahit para sa iba ay awkward pakinggan, nagagawa niya pa ring parang isang art.

Ang sabi nga ni Bb. Joyce Bernal sa blurb niya “Ang sarap ng bagsak ng salita. At saka wala siyang pakialam sa rules o conventions. Basta kukuwentuhan ka niya.”

Ang honest ng libro. Siguro dahil sa pagiging malaya nito kaya naging maganda ang istorya. Naging mas lalong makatotohanan ito.

Hindi ito extreme drama, may comedy rin. Kaya hindi ka mababagot basahin.

Ang paborito kong parte ng libro?

Pipiliin ko ‘yung binugbog si Lucas. Naawa kasi ako sa karakter ni Lucas dahil sa isa lang naman siyang taong nangangarap at humahanga pero ganoon pa ang kinahangtungan niya.

Pipiliin ko rin yung parte na ayaw ipabago ni Sandra at Ester ang kwento nila. Hindi na nila hinangad ang maging masaya sa kabiyak, mas pinili nilang maging masaya sa piling ng anak nila. Iba pa rin talaga ang motherly love.

Ang librong ito ay para sa mga Capital S, blessed na blessed sa Love at sa mga naghahanap ng depinisyon ng pag-ibig.

Rate:  9 / 10

xx

Advertisements

What do you think?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s