LDF: Long Distance Friendship

us

“You will be remembered. Because you are worth remembering.”

Sabay-sabay papasok. Kulitan bago mag-flag ceremony. Tulakan kapag nandyan si crush. Hingian ng papel. Mabilis na formation kapag groupings. Damayan sa pagre-review. Pasama kapag pupunta ng CR. Daldalan kapag may vacant class. Tulungan sa activity project ng isa. Tuksuhan sa bawat isa. Magkakagalit. Magbabati. Sabay-sabay uuwi. Tatambay saglit. Magkakayayaan.

Ngunit lahat ng ito ay ala-ala na lamang.

Sabi nila iba daw ang samahan sa high school, at tama sila. Mabubuo dyan ang barkadahan na para sa magkakaibigan ay pang habang-buhay na. Ngunit may mga pangyayari na hindi natin maiiwasan o matatakbuhan. Ang bawat pagsasama ay may katapusan. Paalam high school, graduate na kami sa wakas.

Kasabay ng pagpapa-alam ay ang pagtungtong sa bagong lebel, sa bagong pagsubok. Ngunit minsan sa bagong tinutungtungan ay meron tayong kailangan iwan dahil hindi na pwede. Swerte na lang siguro kung makaksama mo pa sila sa papasukang unibersidad. May mga kaibigan kasi na pagkatapos ng sekondarya ay minsan mo na lamang makaaksama o makikita, meron namang hindi na talaga at ‘yun na ang huli.

Hindi maiiwasang maalala ang mga pinagsamahan niyo, ang mga araw na kasama sila. Mami-miss ang dating kulitan dahil sa bagong lebel ng buhay marami ng magbabago. Ngunit siguro kung kasama pa ang barkadang nabuo, maaaaring maramdaman pa rin ang saya noon.

Hindi man matumbasan ng mga chat at skype ang totoong presensya nila ay wala na rin namang magagawa dahil ito na lang ang tanging paraan para manatiling konektado sa isa’t isa. Mabuti na ito kesa sa mag-isa ka dahil mas masaya kung may kasa-kasama ka.

Mga taong hindi mo kadugo ngunit may pakialam sa’yo. Mga taong magbubukas sa’yo sa isang maliwanag na bukas. Hindi ka mag-isang papasok, kasama mo sila. Pwede mong maging sandigan o maging kapatid. Mga taong maaari mong makasama sa paglaban ng mga pagsubok na madaraanan mo.

Matatawa ka na lang kapag sumagi sa isip mo ang mga pinaggagawa niyo noon. Malabo man na mangyari muli, naranasan mo rin naman. Hindi iyon imahinasyon lamang, naramdaman mo noon, tatatak hanggang sa panahon kung panghawakan mo ang mga ito.

Ang mga natutunan mo kasama sila at ang inyong mga pinagdaanan. Naranasang madapa at maging masaya sa mga araw na lumipas. Ang maga tampuhan na magtatapos rin naman sa batian. Ang mga ito ang nagpapatatag ng isang pagsasama na pinapahalagahan. Ito ang magiging haligi upang manatiling buo ang pinagsamahan kahit na hindi ganoong nagkikita.

Kaya kung may panahon, lulubos-lubusin dahil sa kalaunan magiging ala-ala ito. Ala-alang masarap balikan.

Nagtapos man ang sekondarya, ang nabuong pagkakaibigan ay hindi kailanman magwawakas. Dahil hindi lang ito simpleng pakikisama, may halong emosyon, kapatiran at pagmamahal sa pagbuo nito. Hindi man perpekto pero makasama lamang sila ay sapat na.

(Para sa mga kaibigan kong malimit ko makita at siguro matatagalan pa bago ko muling makita. Para sa inyo ito. ^_^ )

Advertisements

What do you think?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s