Wanted: Happy Ending

tangled

                      ( wehearit.com )

Introduction – Body – Ending. Kahit anong mangyari magkakasama ang tatlong iyan.

Lahat ng simula may katapusan. Bawat kasiyahan ay limitado. Ang mga masasamang pangyayari ay may ‘stop’ button. In short, sa lahat ng bagay may conclusion.

Tayong lahat naghahangad ng happy ending (sino nga bang may ayaw). Iyong tipong kahit gaano man kadilim ang sinapit mo sa buhay naasa ka na sa dulo may liwanag na naghihintay. Hoping that after a very bad day in the end you’ll still be seating in a couch not worrying about something.

Sa pangarap:

Iniisip natin na pagkatapos ibigay ang lahat ng makakaya, pagkatapos mag-aral ng sampung oras kada araw sa loob ng 14 na taon (minus ang weekends; plus years kung 5 years or more sa kolehiyo), pagkatapos ialay ang dugo’t pawis at masira ang mga kuko kasama na panunuyo ng balat, ay sa huli naman isisigaw natin na “I’m successful!”.

Sa lovelife:

Kahit dumanas ng napakaraming break-ups, mala you-and-me-against-the-world ang love story o ‘di kaya ay na-friendzoned ng iniibig, nagaasam pa rin na ang lovelife ay happily ever after tulad ng sa fairytales.

Pero ang mga ito ay “MAYBEs” pa lang hanggat hindi nadating ang hinaharap. Possibilities. Pero sabi nga ng iba, “Everything is possible with God” (which is true).

Kaso minsan, may mga taong hindi nakakamtan ang hinahangad. Sa halip na happy ending ay kabaliktaran ang natanggap. Ngunit ‘bad ending’ nga ba?

“Happiness is a choice.”

Kilalang-kilala ang quotation na ito para sa mga taong badtrip. Well, ngayon, pwede na rin itong kasabihan para sa lahat na naghihintay kay happy ending. Dahil sa finish line, anuman ang mangyari o resulta, kagustuhan natin ang mananaig, if you’re going to choose to be happy about it or not. Choose wisely! =)

Advertisements

What do you think?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s